Cellphone ni Alex na nahablot sa EDSA, nabawi na

Pinasalamatan ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga ang pulis na tumulong sa kaniya para mabawi ang kaniyang cellphone na na-snatch sa EDSA.

Sa Twitter post ni Alex ay kinilala niya ang mga kawani ng Guadalupe Nuevo Police Sub-Station 7 na tumulong sa kaniya para mabawi ang nahablot niyang cellphone kabilang na sina Police Captain Edison Mabaet, PStaff Seargent Jeffrey Paloma, at marami pang iba.

Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

Nagpasalamat rin ang aktres sa mga driver at motorista na tumulong sa kaniya para habulin ang mga snatchers.

Dagdag niya sa kaniyang post, “Salamat din Talaga sa driver ko Kay kuya arvi kasi hinabol nya yung mga snatcher at maraming motorista and mga kapwa na nasa kalsada ang nakihabol at tulong sa paghuli ng isa sa mga snatchers,”

Read More:  Alex Gonzaga, Mikee Morada announce pregnancy

Nagbiro naman si Alex na pinasasalamatan niya rin ang misis ng snatcher na subscriber niya sa kaniyang Youtube channel.