Tila ay wala pa sa isip ni Senador Manny Pacquiao ang pagreretiro mula sa larangan ng boxing matapos nitong magphiwatig ng rematch laban sa tumalo sa kaniya na Cuban fighter na si Yordenis Ugas.
Sinabi ni Pacquiao sa isang interview na sa buong career niya ay si Ugas na ang isa sa mga pinakamadali niyang nakalaban.
Ipinunto niya na iisa lang ang istilo na ginamit ni Ugas na dapat ay madali sana niyang naiwasan.
Ipinaliwanag ni Pacquiao na hindi siya nakagalaw ng maayos sa laban nila ni Ugas noon tulad nang mga ipinakita niya sa mga dati niyang laban dahil biglang tumigil ang kaniyang mga paa.

Inihayag ni 42-anyos na fighinting senator na nakaramdam ito ng cramps sa pareho niyang mga paa.
Hindi pa matiyak ni Pacquiao kung dulot ba ito ng overtraining o ng kaniyang katandaan.
Binigyang diin naman ni Pacquiao na pwede niyang ayusin ang isang rematch laban kay Ugas kung gugustuhin niya dahil kailangan niya lamang sabihan si Premier Boxing Champions head Al Haymon.
Taliwas naman ang pananaw ng American trainer na si Freddie Roach kung saan ay sinabi niya na posibleng ito na ang tamang panahon nang ng pagreretiro para kay Pacquiao.