CBCP, naglabas ng peace prayer sa gitna ng mga isyu sa WPS

Natapos na ang tatlong araw na plenary assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Sa naging pagtitipon, nagkaroon ng mga resolusyon, kasama na ang pagre-recite ng obligatory prayer para sa kapayapaan.

Read More:  Almost 24,000 people affected by Habagat and Crising

Ayon kay CBCP president Bishop Pablo Virgilio David, mag-iisyu sila ng Oratio Imperata for peace, sa gitna ng lumalaking tensyon sa ilang bahagi ng bansa.

Magre-release din aniya ang panalangin para sa kapayapaan ang mga bishops kasunod ng mga insidente sa West Philippine Sea.

Read More:  Senator Marcos pushes PRRD bill in Senate

Sa huli, sinabi ni David na hindi sila political leaders, kung ‘di spiritual at moral leaders.

Batid umano nilang nangangama ba ang mga Pilipino dahil sa nagpapatuloy na girian na nangyayari sa pinag-aagawang katubigan.