Baby nahulog sa kanal habang dinuduyan, patay

Patay ang isang 11 buwang bata matapos mahulog sa irrigation kanal sa Barangay Mailag, Valencia City, Bukidnon.

Sa report ng Valencia City Police Office nagduduyan umano ang ama nitong si Christopher, 31-anyos at ipinatong nito ang biktima sa kanyang tiyan.

Nakatulog umano si Christopher at hindi na nito namalayan ang bata na nahulog at diretso sa kanal kaya nalunod.

Umabot pa ng dalawang oras bago nakita ang biktima at sinubukan pa itong isugod sa bahay pagamutan ngunit dineklara na itong dead on arrival.

Humingi naman ng pangunawa ang mga magulang ng biktima sa netizen na h’wag silang husgahan dahil aksidente umano ang pangyayari at masakit pa sa kanila ang pagkawala ng kanilang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *