15-anyos na binatilyong wanted sa kaso ng rape, huli sa Tiaong, Quezon

Huli ang isang 15-anyos na binatilyong wanted sa 2 counts ng kasong Rape at 2 counts ng Acts of Lascivious Conduct matapos ang ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Poblacion 3 Tiaong, Quezon nitong Linggo, Hulyo 7.

Ito ay sa bisa  ng warrant of arrest na inisyu ni Honorable Patricia Angeles R. Cataquiz-Fidel, Presiding Judge, Family Court, Branch 16,Sariaya, Quezon.

Samantala, halagang ₱200,000 naman ang inirerekomendang piyansa para sa bawat kaso.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng mga awtoridad ang binatilyo para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *