Catanduanes State University, ipinagdiriwang ang ika-50 foundation anniversary

BICOL— Ipinagdiriwang ngayon ng Catanduanes State University ang kanilang 50th Golden Anniversary kung saan nakiisa sa naturang selebrasyon ang ilang mga personalidad na naging bahagi ng pagkakatatag ng institusyon.

Ayon kay Atty. Cesar Sarmiento, nag umpisa ang CSU bilang Virac National and Agricultural Trade School, naging Catanduanes State College at matapos ang mahabang proseso ay pinahintulutan na ito na ma i-convert bilang State University.

Hindi aniya naging madali ang naging conversion ng institusyon mula sa state college patungo sa pagiging unibersidad dahil sa ipinatupad na moratorium policy noon ng CHED kung saan nilimitahan muna ang pag apruba sa mga paaralang nag apply para sa conversion.

Bunsod ng COVID-19 pandemic ay hindi naisaktuparan ang mga aktibidad kaugnay ng selebrasyon lalo na at patuloy ang pagtaas ng mga naitatalang COVID-19 cases islang lalawigan.

Sa loob ng 50 taon, maraming Catandunganon ang naging produkto ng naturang institusyon na ngayon ay mga propesyonal na at nag ta-trabaho sa iba’t-ibang sektor ng lipunan kung kaya’t patuloy na nagsusumikap ang pamunuan nito upang maipagpatuloy ang pagiging premier higher learning institution sa buong probinsya.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *