Kilalang earthquake survivor na baboy sa China, pumanaw na

Nag-trending sa Weibo ang hashtag “Strong Pig died” na humakot ng 300 million views matapos pumanaw ang tinaguriang “Strong Pig” na si “Zhu Jianqiang”.

Ang baboy na ito ay 14-anyos na at na naging survivor ng 7.9-magnitude na lindol sa southwestern Sichuan province noong May 12, 2008.

Binansagan ng mga Weibo users si Zhu bilang “the most famous pig in history”. 

Magugunita na natagpuang buhay ang nasabing baboy 36 na araw matapos ang malakas na lindol noong 2008 kung saan libo libo katao ang namatay at nawala. 

Nakasurvive ang baboy sa pamamagitan ng pagkain ng uling at pag-inom ng tubig-ulan. Payat ito nang matagpuan at nagmistulan nang kambing pero nakarekober din matapos maalagaan.

Dahil sa ipinakitang katatagan ay hinangaan ang baboy at tinaguriang “animal of the year” sa China.

Binili ito ng local museum sa halagang 3,008 Yuan ($450) saka ginawang tourist attraction hanggang sa mamatay dahil sa katandaan at pagod nitong nagdaang linggo.

Kung kukwentahin, mahigit 100 taong gulang na umano ang baboy kung ibabase sa human years. || Shiela Madrigalejos

Photo: Deccan Herald