Bilang ng teenage pregnancy sa Olongapo umabot na sa higit 140

Umabot na sa higit 140 ang naitatala ng Commission on Population Olongapo na mga teenage mother.

Sa datos ng PopCom Olongapo, mula Enero hanggang Abril ngayong taon ay umaabot na sa 141 ang kabuuang bilang ng mga teenage mother sa lungsod.

Read More:  Rare wildlife recorded by camera traps in Mt. Apo Natural Park

Ayon kay PopCom Head Dra. Leslie Palma, noong 2022 sa kaparehong apat na buwan ay nasa 140 subalit ngayon ay nadagdagan ito ng isa.

Read More:  17-year-old student chases alleged bullies with balisong in Cebu

Puspusan naman umano ang ginagawang mga kampanya ng opisina hanggang sa mga eskwelahan para maiwasan ang maagang pagbubuntis.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO