Avian  influenza binabantayan din sa Camarines Sur

NAGA CITY – Pinababantayan na ng isang mambabatas at pinahahanda na ang Department of Agriculture, sa posibilidad na pagpasok at outbreak ng avian influenza virus sa Pilipinas.

Ayon kay Albay 2nd District Rep. at House Committee on Agriculture and Food Vice Chairman, Joey Salceda, malaki ang tiyansa na mapasukan ang lalawigan ng Batangas at Cebu dahil sa high risk areas sa naturang sakit o bird flu, bukod pa na maraming poultry farm, nagiging lugar din ang mga ito ng migration ng mga ibon.

Kaya iminungkahi nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na bumuo ng isang IATF (Inter-Agency Task Force) para sa sakit ng hayop.

Sa panayam naman ng Brigada News FM Naga kay Pio Balanay Jr., Agriculture Division in Livestock Inspector ng Municipal Agriculture Office ng bayan ng Siruma, Camarines Sur sinabing kapag ganitong may mga posiblidad ng pagpasok ng mga sakit sa mga manok o ibang sakit na pwedeng dapuan ang mga livestock, agad itong pinaghahandaan ng naturang LGU upang maiwasan at huwag mailagay sa kapahamakan ang mga livestock.

Maraming taon na rin kasi ang nakalilipas na walang avian influenza virus na kaso sa bayan.

Wala pang pormal na impormasyon mula sa Regional Office ngunit lagi namang nakamonitor ang bayan at susunod sa mga ipapalabas na kautusan.

Dagdag pa ng opisyal, posible ring isabay nila ang pagpurchase ng gamot para sa naturang sakit bilang agarang aksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *