CAMARINES SUR- Sugatan ang tatlong mga rebelde sa engkwentro sa Sipocot , Camarines Sur.
Sa ulat ng 9th Infantry Division Philippine Army nangyari ito sa mga boundary ng Barangay Cotmo at Brgy Aldezar bandang alas 11:21 Miyerkules ng umaga Hunyo 7, 2023. Umabot ng 15 minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng 81st Infantry Battalion at Communist Terrorist Group (CTG).
Kaagad na ginamot ang mga sugatan sa panig ng mga rebelde habang wala naman sa tropa ng pamahalaan.
Narekober din ang dalawang M16 Rifle, dalawang Cal. 45 Pistol at iba pang gamit pandigma.
Ayon kay Major Frank Roldan tagapagsalita ng 9th ID, sasailalim sa custodial debriefing kapag gumaling na.
Samantalaga katuwang naman nila ang pulisya sa seguridad sa lugar.