BFP pinaalalahanan ang publiko na iwasan ang pagsisiga upang hind maging sanhi ng sunog

CAMARINES NORTE – Pinaalalahanan ng Bureau of Fire Protection ang publiko na iwasan ang pagsisiga lalo na ng mga basura dahil maliban sa ipinagbabawal ito sa ilalim ng batas ay posibleng maging sanhi ito ng sunog.

Kahit kasi ideneklara na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o Pagasa ang pagpasok ng panahon ng tag ulan sa bansa, ay  nanatiling ramdam pa rin lalo na sa Camarines Norte ang  El Niño phenomenon at sa huling bahagi pa ng taon kadalasang nararansan ang tag ulan.

Read More:  Five dead after van crashes into parked truck in Zamboanga del Sur

Ayon kay SFO4 Ronaldo Paño, OIC Muncipal Fire Marshall ng Basud, maliit man o maliit ang sunog ay tiyak na mag- iiwan pa rin ng pinsala kaya mainam na ingatan ang mga ari- arian lalo’t higit ang buhay.

Read More:  17-year-old girl dies in drowning in Cebu as father raises foul-play concerns

Nagpaalala rin ang opisyal sa mga bibili ng mga appliances na siguraduhing aprubado ito ng Department of Trade and Industry. Posibleng pagmulan din kasi ng sunog lalo na ang mga substandard na appliances.