Dominic Roque nagsampa ng kasong cyber libel laban kay Cristy Fermin

Nagsampa ng cyber libel case si Dominic Roque laban kay Cristy Fermin sa Office of the City Prosecutor sa Pasig City.

Ito ay kaugnay pa rin ng mga malisyosong pahayag ni Fermin laban sa kanya.

Kamakailan lang ay si Sharon Cuneta ang nagsampa ng cyber libel complaint laban kay Fermin sa Makati Prosecutor’s Office.

Kasama rin ni Sharon ang kaniyang asawa na si dating senador Kiko Pangilinan sa pagsampa ng nasabing reklamo.

Nauna nang naghain ng kaso ang aktres na si Bea Alonzo ng mga kasong kriminal laban kay Fermin.