BFP, naglabas ng mga iwas-sunog tips para sa Bagong Taon

Tuluy-tuloy ang paalala ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa publiko na mag-doble-ingat para ‘di na makaranas pa ng sunog.

Kasabay pa rin ito ng mga nakakabit na mga Christmas lights, pati na rin ang papalapit na pagsalubong ng Bagong Taon.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Kauna-unahan nilang paalala ay huwag nang gumamit pa ng paputok hanggat maaari, at gumamit na lamang ng mga alternatibong paingay gaya ng mga torotot.

Siguruhin din daw na sa rehistradong taga-gawa’t taga-benta lamang ng paputok bibili para maiwasan ang pagpalya ng mga ito.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Huwag na rin daw sisindihan pa ang mga paputok na ‘di na pumutok at buhusan ito ng tubig matapos ang 15 hanggang 20 minuto.

Nagpaalala rin ang BFP na huwag nang magpalipad pa ng mga sky lanterns dahil maaari itong pagsimulan ng sunog sa mga paglalapagan nito.