Dagsa ng mga pasahero sa PITX, asahan daw ulit sa weekend

Sa weekend inaaasahan ng pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX ang dagsa ng mga pasahero para naman sa mga sasalubong sa pagpapalit ng taon.

Sa isang panayam, sinabi ni PITX Corporate Affairs Officer Kolyn Calbasa, patuloy nilang tinitiyak ang kahandaan ng kanilang pasilidad sa mga pasaherong pauwe sa kani-kanilang lalawigan.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Kabilang sa paghahanda ang pagtiyak sa sapat na bilang ng mga bus.

Read More:  Gatchalian elected Senate President Pro Tempore

Sa ngayon, ayon kay Calbasa, wala nang fully booked sa mga biyahe sa PITX.

Ipinaalala rin niya sa mga pasahero ang pagbabawal sa pagdadala ng anumang uri ng paputok, matutulis na bagay at mga flammable items.