Halos P60M halaga ng suspected shabu, nasabat ng BOC sa Cavite

Arestado sa ikinasang Controlled Delivery Operation ang isang consignee makaraang makuhanan ng mga tauhan ng Bureau of Customs ng aabot sa mahigit limampung anim na milyong pisong halaga ng ilegal na droga sa Cavite.

Galing ang kargamento sa California, USA na dumating noong December 17 sa bansa.

Read More:  Ateneo Law Student Council expresses disappointment over Cayetano

Matapos ang mahigpit na pagsusuri, nadiskubre na ang umanoy dry foods na nakumpiska ay isa pa lang Methamphetamine Hydrochloride, o kilala bilang “Shabu”.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Dahil dito, kakasuhan ang lalaking claimant ng paglabag sa RA 9165 o Anti-Illegal Drugs Act at RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.

Samantala, ayon sa BOC, ito na ang pinakamalaking halaga ng nakumpsikang droga na naitala ng Port of Clark ngayong taon.