Banggaan sa WPS, ikinaalarma ng Amerika at Europa

Nabahala ang United States at ang European Union sa ginagawang ‘dangerous maneuvers’ ng China Coast Guard laban sa sasakyang pandagat ng Pilipinas malapit sa Escoda Shoal sa West Philippine Sea.

Sa magkahiwalay na pahayag, sinabi ni European Union Ambassador Luc Véron na nakakalarma ang ginawang pagpigil ng China sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na maghatid ng mga suplay sa mga mangingisdang Pilipino.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity
Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Tinawag naman ni US Ambassador MaryKay Carlson na unsafe, unlawful, at agresibo ang mga ginawa ng China, sa kabila ng pagiging legal ng misyon ng Pilpinas.

Iginiit din nito ang suporta ng Amerika sa bansa.