Nakaharang pa rin ang mga sasakyan na pagmamay-ari ng mga miyembro at Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa harap ng kanilang compound sa Catitipan, Davao City.
Ilan sa mga sasakyan na nakaharang ay ang dalawang crane, fire truck, crew cab, wing van at SUV ang nakaharang CP Garcia Highway, Davao City.
Kung saan, pasado alas-otso ng gabi nang Simulan na iharang ang nasabing truck, kaya naman hindi makakadaan ang mula sa north at south area ng lungsod.
Samantala, katabi ng KOJC compound ang Davao International Airport Kaya naman pinapatupad ang isang exit at entrance point.
Patuloy naman na nasa normal ang operasyon ng nasabing paliparan.
Pero may naitala nang cancelled flights dahil sa nasabing aktibidad.
Ayon sa advisory ng Cebu Pacific, apektado ang flight ng DG 6673: Na Davao – Zamboanga, DG 6872: Davao – Siargao At 5J 962: Davao – Manila. (with reports from JULIUS PACOT – 93.1 BNFM DAVAO)