Paglusob ng PNP sa KOJC Compound sa Davao City, kinondena ni VP Duterte

Kinondena ni Vice President Sara Duterte ang pagsisilbi ng warrant kay Pastor Apollo Quiboloy at sa mga akusado nito sa Kingdom of Jesus Christ sa Davao City.

Tinawag ni Duterte ang operasyon ng Philippine National Police na ‘abuse of power’ at paglabag sa constitutional rights.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Bagama’t hindi niya tinututulan ang anumang legal na pagpapatupad ng mga warrant of arrest, hindi aniya katanggap-tanggap ang paggamit ng karahasan laban sa ilang sibilyan at miyembro ng KOJC.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Sa ngayon, isang 51-taong-gulang na miyembro ng KOJC ang namatay matapos atakehin sa puso, habang may 18 pang iba ang nagsabing sila ay nasugatan.