Bagong pag-aaral sa Sorsogon-Samar bridge, itinutulak ng Eastern Visayas RDC

Muling isinusulong ng Eastern Visayas Regional Development Council (RDC) ang ikalawang feasibility study ng Sorsogon-Samar bridge matapos makita ng inisyal na pag-aaral noong 2019 na ‘’not economically viable’’ ang proyekto.

Ayon kay RDC Vice Chairperson, NEDA 8 Director Meylene Rosales, nagpasa ng Resolution ang pinakamataas na policy-making body sa Eastern Visayas na humihimok sa DPWH na isama sa kanilang 2024 badyet ang pagsasagawa ng isa pang pag-aaral.

Sa isang Resolution din ng NEDA central office na pirmado na, isinama ang proyekto sa listahan ng infrastructure bilang ‘flagship project.’

Idinahilan ni Rosales na lumilitaw ang mga bagong teknolihiya, habang patuloy ang isyu sa pagsisikip sa daungan ng Matnog na may masamang epekto sa lipunan at ekonomiya sa Visayas at Mindanao, kung kaya’t kailangan ng pangmatagalan na solusyon.

Dagdag pa ng opisyal na kaya niya isinusulong ang link-span bridge construction ay dahil din sa pahayag ang Phil Chamber of Commerce and Industry sa nasabing rehiyon na ang matagal na isyu at ang mahabang pila at kasikipan sa Matnog port ay nakaaantala ng transportasyon ng supply mula Luzon patungong Visayas at Mindanao.

Ang proyekto ng Sorsogon-Samar bridge ay may tinatayang badyet na P257B hanggang P766B. Ito ay binubuo ng tatlong mahabang tulay – Allen hanggang Sa Antonio sa Northern Samar; San Antonio hanggang Capul sa Northern Samar at Capul hanggang Matnog, Sorsogon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *