Philhealth expanded Konsulta Package, bukas pa sa mga gustong mag-avail

KORONADAL CITY – NANANAWAGAN ngayon ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth sa publiko na samantalahin na ang pag-avail ng Philhealth expanded Konsulta Package.

Ayon kay PhilHealth Region XII Public Relations Officer III Hanah G. Naanep, hindi na umano dapat hintayin pa na lumala ang karamdaman bago ang pagpapamiyembro.

Read More:  Army recovers firearm, IED after clash in Northern Samar

Inihayag ni Naanep, layunin ng nasabing programa na mapigilan ang posibleng paglala ng sakit ng mga miyembro sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng konsultasyon, laboratoryo at gamot.

Kinumpirma rin nito na may kabuuang 93 na mga health care facilities sa buong SOCCSKSARGEN ang nag-aalok ng nasabing programa na kinabibilangan ng mga pampubliko at pribado na sektor kasama ang Koronadal City Health Office o CHO.

Read More:  Negros Occidental proposes P8.52B budget for 2027, P900M higher than 2026

Samanatala, ang expanded konsulta package na binubuo ng 13 na iba’t ibang konsulta at laboratory benefits.