Australian maritime group, dumaong sa Maynila para sa 3-day port visit

Dumaong ang Australian maritime task group sa Maynila nitong Linggo para sa three-day port visit bilang bahagi ng Indo-Pacific Endeavor, kung saan ay layon nito na bumuo ng kooperasyon kasama ang Southeast Asian partners nito upang mapaigting ang seguridad sa rehiyon.

Kasama sa mga nakadaong sa Manila harbor ay ang HMA Ships Canberra, Sirius, at Anzac.

Read More:  CBCP calls for effective anti-political dynasty law

Inaasahan na tatagal hanggang September 29, 2021 ang pagbisita ng Australian maritime task group sa Pilipinas.

Sa nasabing pagbisita ay magdadaos ang mga opisyal ng Australia at Pilipinas ng mga seminars, workshops, at virtual exchanges na sumasaklaw sa iba’t-ibang regional issues.

Read More:  NFA expects palay prices to rise to P30/kg as severe El Niño looms

Kasama sa mga inaasahang tatalakayin sa mga gaganapin na aktibidad ay ang maritime security, kababaihan, kapayapaan at seguridad, at humanitarian assistance at disaster relief.