Abalos, umaasa na bababa sa COVID-19 alert level 3 ang NCR sa Oktubre

Umaasa si Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos na umaasa ito na malalagay sa ilalim ng pandemic alert level 3 ang National Capital Region sa Oktubre.

Sinabi ni Abalos na nababawasan na ang growth at reproduction rates ng COVID-19 cases sa Metro Manila.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Ipinunto rin niya na mataas na ang inoculation level sa Metro Manila.

Una nang inihayag ng OCTA Research team na bumaba ang reproduction number ng Metro Manila sa 0.94 mula sa dating 0.97 noong September 24.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng alert level 4 ang Metro Manila, na inaasahang tatagal hanggang September 30.