Apat na Pilipinong sakay ng MSC Aries, malaya nang makauuwi

Kinumpirma ni Iranian Ambassador to the Philippines Yousef Esmeil Zadeh na may kalayaan nang umuwi ang apat na Filipino seafarers na sakay ng container vessel na MSC Aries.

Ipinaliwanag nito na kaya’t hindi agad nakaalis ang mga tripulante ay dahil lamang sa hindi nila maaaring iwanan ang barko hanggang sa matupad nila ang lahat ng kinakailangan na itinakda ng international maritime law.

Sa dalawang magkahiwalay na pagpupulong ni Zadeh sa mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA), lagi nitong tinitiyak ang kaligtasan ng mga Filipino seafarers, kasama ang iba pang mga crew.

Hinihiling din ng embahada ng Pilipinas sa Tehran na makita ang mga Pilipino upang masigurong hindi sila nasaktan, na ipinangako naman ni Zadeh na tutuparin ng kanilang gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *