Chinese students sa Cagayan – legal ayon sa BI

Isiniwalat ng Bureau of Immigration o BI na nakapag issue sila ng student visa sa 1,500 na mga Chinese nationals sa Cagayan noong taong 2023.

Sa Bagong Pilipinas Program, sinabi ni BI Spokesperson Dana Sandoval na batay sa nakalap nilang impormasyon, mula sa 1500 na nabigyan nila ng student visa, 400 lang anya sa mga ito ang onsite, habang ang iba ay naka distance learning.

Sinabi ni Sandoval na nabigyan ng student visa ang mga Chinese nationals, matapos iendorso ng isang malaking unibersidad sa Cagayan, sa madaling sabi dumaan daw ang mga ito sa legal na proseso.

Sa kabila nito, hindi naman anya mangingimi ang BI na ipa deport ang mga ito kung makita at mapatunayang may ginagawa silang labag sa batas.

Nabatid na pinaiimbestigahan ng isang mambabatas ang napaulat na pagdagsa ng mga Chinese students sa Cagayan kung saan meron ring EDCA sites.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *