Amain na umano’y nakabuntis sa kanyang stepdaughter, nagpatiwakal sa Benito Soliven, Isabela

Natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng isang magsasaka na pinaniniwalaang nagbigti sa loob ng kaniyang bahay sa Brgy. Villa Luz, Benito Soliven, Isabela.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PMAj. Rufu Figarola Jr., ang hepe ng Benito Soliven Police Station ang nagpakamatay ay itinago sa pangalang Kardo, 33-anyos at di umano’y nakabuntis sa kaniyang 14 years old na stepdaughter.

Batay sa imbestigasyon ng PNP, nitong October 5, 2021 ay napag-alaman ng ina ni alyas Kardo na nagdadalang-tao ang kanyang stepdaughter at ang naturang magsasaka ang itinuturong ama ng ipinagbubuntis ng dalagita.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Sa nasabing araw din ay kinuha umano ang dalagita ng kanilang kamag-anak sa Cauayan City.

Ayon pa kay PMaj. Figarola, sinabihan umano si alyas Kardo ng kanyang ina na huhulihin na siya ng mga pulis dahil sa umano’y pangmomolestya sa kanyang anak-anakan.

Dito na umano nagsimula na hindi na makausap ng maayos si alyas Kardo at nagkukulong sa kanilang bahay.

Nababanggit din umano niya na tila nagpapaalam sa kaniyang dalawa pang anak na pito at walong taong gulang.

Madaling araw ng October 7 ay nakita na lamang ng kaniyang dalawang anak ang nakabitin na katawan ng magsasaka sa loob ng kanilang bahay.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ayon pa sa Hepe, matagal nang nasa poder nila alyas Kardo ang stepdaughter at napag-alaman na nasa ibang bansa nagtatrabaho ang asawa nito.

Lingid din sa kaalaman ng Lola na may ganitong nangyayari sa 14 anyos na dalagita at napansin na lamang na malaki na ang tiyan nito.

Samantala, sa ngayon ay tutukan ng kapulisan sa mga barangay ang mga vulnerable na batang babae tulad ng mga bata na ang kanilang ina ay nasa ibang bansa at tanging mga tatay o tyuhin ang kasama sa bahay upang magabayan sila at maiwasan ang ganitong pangyayari.