Benito soliven police station, idineklarang drug free workplace

Idineklara ng PDEA Region 2 bilang drug free work place ang Benito Soliven Police Station.

Ito ang kinumpirma ni ng hepe ng PNP-Benito Soliven na si PMaj. Rufu Figarola Jr sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Ayon kay PMaj. Figarola, ito ay alinsunod sa Dangerous Drug Board Regulations No. 13 kung saan nire-require lahat ng government offices na magtatag at mag-institutionalize ng drug free work place.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Aniya, noong nakaraang buwan ay nagkaroon sila ng orientation at drug test sa mga kasapi ng Benito Soliven Police Station at nakita na lahat ng requirements ay pumasa ang kanilang himpilan.

Dahil dito ay nitong October 5 ay tuluyan nang idineklara ang kanilang istasyon na drug free work place.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Aniya, napakahalaga ito para sa kanila upang mapatunayan sa kanilang mga pinagsisilbihang mamamayan na malinis sila at upang maging epektibo sa pagpapatupad ng batas lalong lalo na ang kampaniya kontra iligal na droga.

Sisikapin naman aniya nilang mapanatili ito, bantayan ang bawat-isa at mapagsabihan upang hindi humantong sa paggamit ng illegal drugs.