SORSOGON CITY – Itinuturing ng Commission on Elections-Sorsogon na naging mapayapa ang halos isang buong linggo ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa lalawigan.
Sa pahayag sa Brigada News FM ng Provincial Election Officer na si Atty Calixto Aquino Jr., sinabi nito na pangkalahatang mapayapa ang nasabing aktibidad kung saan ang minimum health protocols ay nasunod dahil na rin sa pakikiisa ng mga aspirante mula sa unang araw hanggang sa natapos ito alas 5:00 ng hapon noong Biyernes.
Mahigit 200 ang kabuuang bilang ng aspirante na naghain ng kani-kanilang COCs mula sa 14 na bayan at isang lungsod sa pagka-Gobernador, Bise-gobernador, Kongresista sa dalawang distrito, Bpard Members pagka-Alkalde at Bise-alkalde at pagka-Konsehal.
Samantala, sa City Comelec naman ay may naitalang 42 aspirante na naghain ng kani-kanilang COCs, ayon ito sa City Election Officer na si Atty Carla Jerrera.
Idineklara din nitong ‘generally peaceful’ sa kabuuan, ang nasabing aktibidad.

