Agriculture Group – ‘di nakikitang solusyon sa pagpapababa ng persyo ng bigas ang gagawing tarrif cut sa imported rice

Hindi kumpyansa si SINAG Chair Engr. Rosendo So na bababa ang presyo ng bigas kung ibababa rin ang taripa sa mga imported na bigas.

Ito ay matapos sabihin ng Department of Agriculture (DA) na posibleng bumaba ng P4 hanggang P5 ang kada-kilo ng bigas sa sandaling babaan ang taripang ipatutupad sa mga imported rice.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay So, sinabi nitong hindi nila nakikita na tarrif cut ang solusyon para mas gumaan ang presyo ng bigas.

Mariing sinabi rin nito na kung ibababa ang taripa – apektado ang mga magsasaka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *