Hinikayat ng Department of Tourism Bicol ang Lokal ng Pamahalaan ng Lungsod ng Sorsogon na suportahan ang mga festivals na inisyatiba ng mga barangay.
Sa mensahe ni DOT Regional Director Herbie Aguas sa ginanap na launching ng Tahong Festival sa Barangay Pamurayan, sinabi nito sa mga Konsehal nadumalo sa aktibidad na suportahan nila sa pamamagitan ng Ordinansa ang mga kahalintulad na Tahong Festival.
Aniya, isang karangalan din sa isang LGU na makilala ang nasasakupan nitong barangay na nagsasagawa ng nasabing aktibidad.
Pinuri ng opisyal ang Barangay Council ng Pamurayan sa pagsasakatuparan ng kauna-unahang Tahong Festival sa kanilang lugar.
