AFP, tiniyak na may contingency plan na nakalatag sa fishing ban ng China kabilang ang ilang bahagi ng WPS

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may contingency plan na nakalatag ang pamahalaan sa pagpapatupad ng 4-month fishing ban ng China kabilang ang ilang bahagi ng WPS.

Nagsimula ang fishing ban ngayong Mayo, at magtatapos sa September 16.

Sa pulong balitaan ngayong umaga, iginiit ni Navy spokesperon for the WPS, Commodore Roy Vincent Trinidad, na ang hakbang ng China ay illegal, provocative at labag sa international law.

Suportado rin nila ang hakbang ng ibang maritime law enforcment agencies tulad ng PCG at BFAR.

Sabi pa ng opisyal, walang kailangang ipangamba ang mga mangingisda lalo na ang mga nasa bajo de masinloc dahil nasa likod nila ang pamahalaan at ginagawa anila lahat upang maprotektahan ang kanilang kabuhayan.

Maalalang bago ang fishing ban , nauna nang nagpatupad ng China ng pag-aresto sa mga non-Chinese fishermen sa mga lugar na idiniriin nilang sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *