Bagyong #AghonPH, papalabas na ng Philippine Area of Responsibility

Ano mang oras ay inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong #AghonPH.

Sa 11am bulletin ng PAGASA – huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,060 kilometro, silangan hilagang silangan ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 130 kilometro kada oras; at bugsong papalo ng hanggang 160 kilometro kada oras.

Wala na rin itong direktang epekto sa bansa.

Ngayong hapon, inaasahang hihina pa ito, at tuluyan nang lalabas ng ating bansa.

Samantala, sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay PAGASA Weather Forecaster Chenel Dominguez, sinabi nitong bagamat mayroon nang Southwesterly Windflow, ‘di pa rin nito naaabot ang required na crieteria para ireklada ang opisyal na tag-ulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *