8 pulis sa Lucena City, sibak sa pwesto matapos masangkot sa illegal raid; Hepe, sibak din

Sinibak sa puwesto ang 8 pulis ng Lucena City police na sangkot sa iligal na raid at pangha-harass sa isang residente ng Purok Masagana, Barangay Ransohan, Lucena City noong Biyernes.

Ayon kay Police Regional Office 4A Director, PBgen Kenneth Lucas, kinokondena nila ang ginawa ng naturang mga pulis at hindi nila kinukunsinte ang iregularidad sa kanilang hanay.

Nabatid na nag-ugat ang pasibak sa 8 pulis matapos magsampa ng kaso ng paglabag sa domicile, grave threats, at unjust vexation ang 52-anyos na babeng residente na biktima ng iligal na pagsakalay.

Ni-raid umano ng grupo ng mga pulis ang kanilang mga bahay nang walang kaukulang search warrants.

Puwersahang winasak ang kanilang pinto attinutukan pa sya ng baril habang kinukulimbat ang kanilang mga kagamitan

Agad na nagtungo sa himpilan ng Lucena police ang biktima at nagsampa ng reklamo.

Samantala, sinabi ni Lucas na sibak din sa pwesto ang Hepe ng Lucena police na si PLTCOL Reynaldo Reyes dahil naman sa isyu ng Command Responsibility.

Sa ngayon, nasa Regional Headquarters Holding Accounting Section na ng PRO 4A ang 8 na pulis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *