Aabot sa 600 barangay sa Albay, nakatanggap ng medical equipment set mula sa PGA

LEGAZPI CITY – Nakatanggap ng medical equipment sets mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Albay ang nasa 591 na mga barangay sa lalawigan.

Ito ay kinumpirma ni Barangay Facility Services Office (BFSO) head at Consultant on Barangay Affairs na si Divine Banares na nai-release na ang mga supply.

Ayon kay Banares, natanggap nila ang set na ito na nagsimula noong nakaraang buwan at posibleng makumpleto ngayong Hulyo.

Ang mga supply ay inaasahang makapagbibigay ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa mga pasyente at residente ng lahat ng barangay sa lalawigan.

Kabilang sa package ay ang portable weighing scale, nebulizer, blood pressure monitor, at mga gamot na magsisilbi sa lahat ng health worker para sa kanilang walang tigil na serbisyo sa komunidad.

Sa 1st district, 177 barangay ang nakatanggap ng kagamitan, kung saan: 23 sa Sto. Domingo, 46 sa Bacacay, 18 sa Malilipot, 27 sa Malinao, 23 sa Tiwi, at 40 naman sa Tabaco City.

Sa 2nd district, 137 ang naipamahagi sa, kung saan: 50 sa Camalig, 14 sa Rapu-rapu, 15 sa Manito, at 58 sa Legazpi City.

Sa 3rd district ay 277 kung saan: 44 sa Guinobatan, 46 sa Oas, 41 sa Polangui, 23 sa Jovellar, 37 sa Libon, 33 Pio Duran, at 53 sa Ligao City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *