MAGBIBIGAY ng cash incentives na aabot sa 74 milyong piso ang Philippine Sports Commission o PSC sa mga atletang Pilipino na nag-uwi ng medalya sa iba’t ibang laro sa katatapos lang na Southeast Asian Games o SEA Games na ginanap sa bansang Cambodia.
Ang pagbibigay ng insentibo ay nakasaad sa batas, na ang isang atleta na nag-uwi ng Gold Medal ay makakatanggap ng mahigit P300,000, P150,000 naman sa Silver medalist at P60,000 naman sa Bronze medal.
Kikilalanin din ang mahigit 500 national athletes para sa kanilang outstanding achievements sa kakatapos lang na 32nd Southeast Asian Games at 12th ASEAN para sa games sa Cambodia.
Matatandaang, nakuha ng Pilipinas ang ikalimang pwesto sa biennial event sa Cambodia matapos masungkit ang 58 gold, 85 silver at 117 bronze medals.
Nagkaroon naman ng record-breaking performance ang Team Philippine sa APG nang kunin ang 34 golds, 33 silvers at 50 bronzes. ### RIZADEL LOPEZ, Intern