CHED Bicol sisiguruhing masusunod ang mga panuntunan ng mga paaralan bago ipatupad ang limited face-to-face classes sa lahat ng kurso sa mga kolehiyo

NAGA CITY-Masusing inspeksyon ang daraanan ng mga higher education institutions bago payagang makapagsagawa ng limited face-to-face classes. Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Commission on Higher Education Bicol Regional Director Freddie Bernal, may mga guidelines na dapat masunod ang mga kolehiyo at unibersidad.

Kasama sa mga kondisyon ay ang pagkakaroon ng mababang bilang ng mga positibong kaso ng COVID-19 sa lugar, kinakailangang mahigpit na nasusunod sa paaralan ang mga health protocols. Nararapat din na fully vaccinated ang lahat ng mga teaching at non-teaching personnel at aprubado ng Lokal na Pamahalaan.

Read More:  Kabankalan dairy hub targets 640,000 liters of milk yearly

Sinabi pa ni RD Bernal na kung handa na ang mga paaralan ay posibleng masimulan ang limitadong face-to face-classes sa lahat ng kurso sa Disyembre hanggang sa susunod na taon.

Read More:  Unidentified woman found dead inside refrigerator in Rizal

Dahil sa 50 porsyento sa mga mag-aaral lamang ang papayagan mananatili paring paraan ng pagtuturo ang online offline modality sa ilang estudyante.

Sa Naga City, una nang sinabi ni Naga College Foundatipn President Mario Villanueva na good news ito subalit kailangan munang dumaan sa dialogo kasama ang mga magulang.