Catanduanes, napabilang sa 7 probinsya sa bansa na magsasagawa ng pilot production ng ‘golden rice’

BNFM BICOL—Napabilang ang islang lalawigan ng Catanduanes sa pitong napiling probinsya sa bansa na napili ng Department of Agriculture upang magsagawa ng pilot production ng bagong variety ng bigas na kung tawagin ay ‘Golden Rice’.

Ayon kay Provincial Agriculturist Nelia Teves at OPAg personnel, DA-PhilRice senior research specialist- Reynante Ordonorio, ito ay sa kadahilanang sa buong Pilipinas, nasa ikatlong rank  ang naturang lalawigan sa may pinakamaraming ‘stunted’ o mga bansot na bata edad 0 hanggang apat na taong gulang.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ito aniya ang lumabas na resulta sa isinagawang  2020 Operation Timbang Plus, kung saan mula sa 23,575 na mga batang tinimbang at kinunan ng height, nasa 4,538 nito ang mula sa Catanduanes na napabilang sa mga stunted at severely stunted na mga bata.

Bunsod nito, nanininiwala ang D.A na ang pagtatanim ng ‘Golden Rice’ ay malaking tulong upang masolusyunan ang problema ng bansa sa malnutrisyon at pagkabansot ng mga bata.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Taglay kase nito ang ‘beta carotene’ na solusyon upang maresolba ang Vitamin A deficiency ng mga kabataan na sanhi ng kanilang hindi tamang paglaki.

Bukod sa Catanduanes, napabilang din ang mga probinsya ng Quirino; Antique; Samar, Agusan del Sur, Lanao del Norte at Maguindanao na magsisilbing pilot areas ng commercial propagation ng nasabing uri ng bigas.

Inaasahan naman na masisimulan ang naturang programa sa susunod na taon.###