NAGA CITY-Masusing inspeksyon ang daraanan ng mga higher education institutions bago payagang makapagsagawa ng limited face-to-face classes. Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Commission on Higher Education Bicol Regional Director Freddie Bernal, may mga guidelines na dapat masunod ang mga kolehiyo at unibersidad.
Kasama sa mga kondisyon ay ang pagkakaroon ng mababang bilang ng mga positibong kaso ng COVID-19 sa lugar, kinakailangang mahigpit na nasusunod sa paaralan ang mga health protocols. Nararapat din na fully vaccinated ang lahat ng mga teaching at non-teaching personnel at aprubado ng Lokal na Pamahalaan.
Sinabi pa ni RD Bernal na kung handa na ang mga paaralan ay posibleng masimulan ang limitadong face-to face-classes sa lahat ng kurso sa Disyembre hanggang sa susunod na taon.
Dahil sa 50 porsyento sa mga mag-aaral lamang ang papayagan mananatili paring paraan ng pagtuturo ang online offline modality sa ilang estudyante.
Sa Naga City, una nang sinabi ni Naga College Foundatipn President Mario Villanueva na good news ito subalit kailangan munang dumaan sa dialogo kasama ang mga magulang.
