Lechon sa La Loma, Quezon City, ASF free

Ligtas mula sa African Swine Fever ang mga lechon na ibinebenta sa La Loma sa Quezon City.

Ayon sa ilang nagtitinda ng lechon, hindi sila apektado ng ASF at ligtas raw na kainin ang kanilang mga produkto.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Hindi rin daw sila pinapayagang magkatay ng baboy para sa i-lechon maliban kung ang mga ito ay sumailalim sa inspeksyon bago litchunin.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Samantala, kinumpirma naman ng Veterinary Department inspector ng Lungsod na si Paul Patinio, na wala pang naiiulat na kaso ng ASF o iba pang sakit sa mga baboy na dinala sa lungsod.