Pulis-Maynila na sangkot sa kidnap for ransom at robbery extortion, arestado

Arestado ng pinagsabib na pwersa ng Malabon City Police, Northern Police District, Manila Police District at Anti-Kidnapping Group ang isang pulis na sangkot sa kidnap for ransom at robbery extortion sa Malabon City.

Sa ulat sa Camp Crame, may ranggong Police Corporal ang nahuli at napag-alamang nakatalaga sa Manila Police District- District Personnel Holding and Accounting Section.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Naaresto ang suspek nitong August 6 sa loob ng MPD hedquarters.

Ayon sa report, naplakahan ng mga testigo sa krimen ang gray na getaway vehicle na ginamit ng mga suspek sa pagdukot.

Sa tulong mula sa Land Transportation Office, na-beripika ang rehistro ng sasakyan at pagdating sa follow up operation ay natunton ang isa sa mga suspek na napag alamang pulis pala.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Hinahanap pa ang ibang kasamahan ng pulis na kidnapper at inaalam din kung sila ay mga pulis din.

Nasampahan na ng reklamong Kidnapping for Ransom with Serious Illegal Detention at Robbery Extortion ang pulis.