DOLE – binigyan ng bagsak na rating ng labor group matapos ang inaprubahang P35 na dagdag-sahod sa NCR workers

Matagal na raw humihingi ng diyalogo ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa pamahalaan hinggil sa dagdag-sahod ng sektor ng mga manggagawa pero hindi ito nangyayari.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay TUCP Legislative Officer Paul Gajes, sinabi nitong hindi sila nakakukuha ng karampatang pansin mula sa gobyerno.

Read More:  DepEd set to launch active shooter drills in schools

Dalawang labor day na rin aniya ang nakalipas na hindi sila hinaharap ni Pangulong Bongbong Marcos.

Mababatid na dismayado ang TUCP sa inaprubahang dagdag na P35 para sa sahod ng mga manggagawa sa private sector sa Metro Manila – bagay na sinasabi ni Gajes na kulang para matustusan ang pangangailangan sa pang-araw-araw.

Read More:  Atin Ito Coalition: declare July 12 as West Philippine Sea Victory Day

Samantala, sinabi ni Gajes na bagsak ang rating nila para sa Department of Labor and Employment.

Binigyang-diin nito na hindi naman itinataas ng DOLE ang bandera ng mga manggagawang Pilipino.