Operatibang pulis, patay sa buy-bust operation sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Nagdadalamhating sasalubungin ng pamilya ng isang pulis at mga kasamahan nito ang Bagong Taon; ang drug buy bust operation sa Camarines Sur nauwi sa pagkamatay ng operatibang pulis matapos itong barilin ng umano’y target.

Sinabi sa Brigada News FM Naga kay PCAPT. Marlon Lladoc , spokesperson ng PNP Camarines Sur nangyari ang transaksyon ng mga tropa ng Tinambac PNP sa Baao Catholic Cemetery  pasado alas-3 ng hapon nitong Martes, Dec. 26, 2023.  Pero nakatunog ang isa sa mga target at binaril ang pulis na si PSSg Richard Rodero ng Tinambac PNP.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Kaagad na tumakas ang isa pang suspek na hindi muna isinapubliko ng PNP ang pangalan,  habang ang kasamahan nito ay isinugod din  Bicol Medical Center sa Naga City matapos na mabaril din ng pulis.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Habang isinusulat ang ulat na ito, nagpapatuloy ang hot pursuit operation para mahuli ang nakatakas na suspek.

Dagdag ni Lladoc, matagal nang minomonitor ang target, hindi nagkakasundo sa lugar ng transaksyon kaya umabot hanggang sa bayan ng Baao.

Nag paabot ng pagsaludo at pakikiramay ang PNP sa lalawigan.