𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢

Nanawagan ang pamilya ng traysikel drayber na natagpuang patay sa publiko na makipagtulungan ang sinumang nakakita ng sasakyang tricycle ng biktima.

Una rito, natagpuan sa Barangay Osmeña, Cordon, Isabela ang wala nang buhay at mayroong saksak sa katawan na biktimang si Roberto Dela Cruz, tricycle driver at residente ng Plaridel, Santiago City.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Lumalabas sa imbestigasyon ng Cordon Police Station na nakuhanan sa CCTV sa isang gasolinahan na mayroong sakay na dalawang babaeng pasahero ang biktima.

Ayon sa pulisya, posibleng ninakaw ang mga nawawalang kagamitan at traysikel ng biktima kung saan pinaniniwalaang kasabwat ang dalawang pasahero na nag-arkila sa biktima.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Sa ngayon ay mayroon ng lead ang pulisya at patuloy ang pakikipag-ugnayan sa Santiago City Police Station upang matukoy ang mga suspek.

Hustisya naman ang hangad ng pamilya ng biktima kung saan nanawagan ang mga ito na makipagtulungan sa kanila at sa pulisya ang sinumang makakita sa traysikel ng biktima na mayroong 6532 na body number.