240-Million halaga ng counterfeit goods naharang ng BOC-Subic

Naharang ng Bureau of Customs Port of Subic ang nasa 240-million na halaga ng mga counterfeit goods nakalipas na araw na nasa mahigit 1,000 boxes.

Ang operasyon ay matapos na makatanggap ng intelligence report si Port of Subic District Collector Carmelita Talusan.

Ang shipment ay dalawang 40-foot container na naglalaman ng iba’t ibang branded na bagong mga apparel na may logo ng mga branded goods mula Bangladesh.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Kaninang umaga ay ininspeksyon ni SBMA CHAD Jonathan D. Tan ang mga shipments sa Subic Bay International Terminal Corporation kasama ang mga opisyal ng BOC at ipinakita rin ito sa media.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Nagbabala rin si Tan sa mga smugglers na seryoso ang gobyerno sa mga operasyon para malabanan ang mga iligal na pagpasok ng mga produkto sa Freeport.

Tiniyak naman ng BOC ang maayos na kolaborasyon sa pamunuan ng SBMA para maprotektahan ang mga brand owners.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO