Pormal nang ipinakilala ang dalawang senior officers ng 5th Infantry Division (5ID), Philippine Army na magsisilbing mga bagong lider ng 77th Infantry Battalion at 5th Division Training School.
Ito ay matapos ang ginanap na joint turn-over of command ceremony sa 77th Infantry Battalion Headquarters, Piggatan, Alcala, Cagayan.
Itinalaga si LtC Magtangol G. Panopio na uupo bilang Commandant ng 5DTS matapos ang kaniyang panunungkulan bilang Battalion Commander ng 77IB.
Habang ang bagong Battalion Commander naman ng 77IB ay si LtC Omar Hagada pagkatapos ang kaniyang serbisyo sa 5DTS bilang commandant mula February hanggang July 2023.
Parehong nakapag-bigay karangalan ang dalawang senior officers sa kani-kanilang mga nasasakupan bago nangyari ang turn-over of command ceremony.
Pinangunahan naman ito ng Commander ng 5ID na si MGen Audrey L Pasia kung saan hinamon nito ang mga bagong lider na pag-igihan pa ang kanilang mga trabaho para sa kanilang command’s mission accomplishments.
Samantala, naging witness naman ng nasabing seremonya ang pamilya ng dalawang senior officers, Cagayan Province Governor Manuel N. Mamba, mga Barangay Officials, MBLT-10, Coast Guard, TOG2, NICA, PNP, mga miyembro ng SAMBAYANAN, Youth for Peace, KKDAT, stakeholders, officers at mga troops.