730 na MMDA personnel, nakahandang i-deploy para sa Pista ng Poong Itim na Nazareno

Magde-deploy ng 730 personnel ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa pagdaraos ng Pista ng Poong Itim na Nazareno.

Ayon sa MMDA, ang pag-deploy sa kanilang mga tauhan ay upang tumulong sa Traffic Management at Clearing Operations simula January 6 hanggang January 9.

Dagdag ng ahensya, ang ide-deploy na mga personnel ay mula sa Sidewalk Clearing Operations Group (SCOG) na nakatalaga sa crowd control, Western Traffic Enforcement (WTED) na tutulong sa pagmamando ng trapiko, at Metro Parkways Clearing Group (MPCG) na magdedeploy ng street sweepers upang mapanatili ang kalinisan sa lugar.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Bukod dito, inatasan na rin umano nila ang Task Force Special Operations (TFSO) upang i-clear ang mga kalsada, habang ang Road Emergency Group (RSG) naman ay inatasan para sa posibeng pangangailangan ng emergency.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Samantala, nakaantabay namang mag-monitor ng mga CCTV cameras ang Metrobase personnel para makita ang sitwasyon sa gagawing pagdiriwang.

Para sa taong ito, inaasahan ng Manila Police District (MPD) na aabot sa limang milyong deboto ang makikiisa sa Walk of Faith procession para sa Pista ng Poong Itim na Nazareno. // SMM