PBBM, nakipagkita na kay Standing Committee of the National People’s Congress Li Zhanshu

Nakipagkita kahapon si Pangulong Bongbong Marcos kay chairman of the Standing Committee of the National People’s Congress Li Zhanshu.

Ito ang unang aktibidad ng pangulo para sa isinasagawa nitong state visit sa China.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Sa kanilang pag-uusap, inihayag ni Marcos na kampante siya na ang mga susunod na taon ay magiging “years of opportunity” para sa Pilipinas at China.

Ayon sa kanya, ang relasyon ng Pilipinas at China ay makapagpapatibay at makapagbibigay ng benepisyo sa ekonomiya ng dalawang bansa sa mga susunod na taon.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Bukod dito, ilan sa mga dumalo sa meeting ay sina Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, Speaker Martin Romualdez, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Finance Secretary Benjamin Diokno, Trade Secretary Alfredo Pascual, at Tourism Secretary Christina Frasco.