Pole vaulter EJ Obiena babandera sa Asian Athletics Championships sa Kazakhstan

Magpapadala ng lean and mean team ang Philippine Athletics Track and Field Association o PATAFA sa Asian Indoor Athletics Championships na nakatakda sa Pebrero 10 hanggang 12 sa Nur Sultan, Kazakhstan.

Pangungunahan ni world-class pole vaulter na si EJ Obiena at ang Olympian sprinter na sina Eric Cray at Kristina Knott  ang 17-player squad sa torneo na magsisilbing kanilang unang foreign exposure ngayong taon.

Sinabi ni PATAFA secretary general Edward Kho na ito ang pinakamaagang international competition na may pinakamataas na posibleng puntos sa World Athletics na makukuha para sa mga atleta.

Ito ay magiging abalang taon sa mga national athletes habang naghahanda ang mga ito sa t tatlong malalaking kompetisyon tulad ng 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa Mayo, ang Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre at ang Asian Indoor and Martial Arts Games sa Thailand sa Nobyembre.//CA