50 padyak drivers natulungan ng modified urban gardening ng Bacacay MPS

LEGAZPI-Aabot sa 50 na mga padyak drivers na apektado ng nagpapatuloy na pandemya ang natulungan ng Modified Urban Gardening ng Bacacay Municipal Police Station.

Sa pangunguna ni Police Major Michael Lorilla kasama si Mr. Arvin Francis V. Bermundo, KaligKasan President at Hon. Rimell Faith B Torre, Regional KKDAT President, namigay sila ng mga preskong gulay sa mga drivers mulang Barangay 13 ng nasabing bayan.

Maliban sa mga padyak drivers nabigyan din ang mga market goers na napadaan sa nasabing Himpilan,

Layunin umano nito na mahikayat rin ang mga barangay na magtanim sa kani-kanilang lugar para makatulong ngayon na pandemya.

Kung maaalala, noong nakaraang buwan nila sinimulan ang modified Urban Gardening na kung saan tinampok nila ang pagtatanim ng lettuce at ngayon naman ay ibat-ibang klase ng gulay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *