Pamunuan ng Superlines sa Camarines Norte nagbabala sa publiko laban sa mga colurum van

CAMARINES NORTE- Nagbabala ang pamunuan ng Superlines Bus Company sa publiko kaugnay sa mga colorum van na nagpapanggap na mula sa kanilang kumpanya

Sa pamamagitan ng kanilang Official FB page ay ipinaalam ng mga ito ang tanging iskedyul lamang ng kanilang byahe ay tuwing alas 9 ng umaga kadaw araw at nilinaw rin nito na Camarines Norte lang ang kanilang byahe ngayon at wala nang iba.

Hindi rin umano sila tumatanggap ng reservation sa pamamagitan ng messenger kagaya ng ginagawa ng mga colorum van na nagpapanggap na bus company

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Umapela din ang naturang kumpanya sa sinuman na nakakaalam tungkol sa pagkakakilanlan ng mga sangkot na colorum van na nagpapanggap na Superlines at DAET Express ay ipagbigay-alam agad sa kanilang tanggapan upang mapanagot ang sinomang nasasangkot.

Kung matatandaan, ipinatawag ng Provincial IMT ang pamunuan ng Superlines Company na nakabase dito sa lalawigan upang pagpaliwanagin sa nakaabot sa kanilang balita na ang ang naturang bus company ay nagdadala ng mga pasahero mula sa Metro manila papasok ng lalawigan kung saan hindi pinapahintulutan sa ngayon ng Provincial IMT

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Una na ring sinabi ni Assistant Operation Manager Celso Saquido sa panayam ng Brigada News FM Daet na tanging biyaheng Daet to Paranaque Integrated Terminal Exchange lamang ang kanilang biyahe at walang pabalik ng Camarines Norte.

(photo: Superlines Transportation Inc FB page)