3 gamot, nakikita bilang posibleng lunas vs COVID-19 ayon sa WHO

Inanunsyo ng World Health Organization (WHO) nitong Miyerkules na may malawakang international trials ang isinasagawa ngayon para sa tatlong gamot, na posibleng magsilbi bilang lunas sa mga pasyenteng na-ospital dahil sa COVID-19.

Ayon sa WHO, susuriin ang epekto ng Artesunate, imatinib at infliximab sa mga pasyente sa mahigit 600 ospital sa 52 bansa.

Iginiit ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus na nanatiling “critical need” ang pagkakaroon ng epektibo at accessible na lunas para sa COVID-19 patients.

Ang Artesunate ay gamot para sa severe malaria; ang imatinib naman ay ginagamit laban sa ilang partikular na cancer sa katawan.

Ginagamit naman ang infliximab bilang treatment sa immune system disorders tulad ng Chron’s at rehumatoid arthritis.

Ipinamahagi ng manufacturers ang mga nasabing gamot na gagamitin sa trials bilang mga donasyon, at kasalukuyan na itong shiniship papunta sa iba’t-ibang mga ospital sa buong mundo.